Abala ang mga tauhan ng isang t-shirt printing shop na ito sa Maynila sa pagsi-silkscreen ng imahe ng Itim na Nazareno para sa nalalapit na pista nito sa Enero 9. Kuha ni Edd Gumban

5K pulis idi-deploy sa pista ng Itim na Nazareno
(Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 5,000 bilang ng pulis ang idi-deploy sa lungsod ng Maynila upang tiyakin ang seguridad sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno sa susunod na Martes (Enero 9) alinsu­nod na rin sa patuloy na nasa full alert status ang buong pu­wersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Police Director Oscar Alba­yalde, bukod sa magbaba­likan na ang mga bakasyu­nista­, kailangang  mailatag na nila ang pagpapatupad ng seguridad sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno.

Ayon naman kay Manila Police District Spokesman Supt. Erwin Margarejo, bumuo rin ang MPD ng tatlong­ sub task group kung saan tututukan ng mga ito ang Plaza Miranda, Quirino Grand­stand at ang ruta ng prusisyon; gayundin ang daloy ng traffic­, anti-criminality, public order, pagtiyak sa seguridad ng trans­portasyon, komunikas­yon, power system at mga ma­hahalagang imprastraktura.

Ang sub-task group din ang mangangasiwa sa lahat ng mga emergency res­ponse team na ilalatag sa lahat ng mga lugar at ruta ng Traslacion.

Kaagapay ng MPD ang Philippine Coast Guard, Bu­reau of Fire Protection, Department of Public Works and Highways, Philippine Red Cross, Department of Health at mga non-government organizations.

Samantala, iniulat na rin na walang gagawing pagbabago sa ruta ng translacion ng Itim na Nazareno sa sandaling ilakad na ito mula sa Quirino Grandstand.

Mula sa Quezon Bridge, kakaliwa ang prusisyon sa Quezon Blvd, kakanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, Du­que de Alba, kakaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farnecio, kakanan sa Arlegui, kakaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila at kanan sa Carcer.

Mula sa Carcer, kakanan naman ang ruta sa Hidalgo diretso sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo saka didiretso sa Gonzalo Puyat, kaliwa sa Guzman­, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Bautista, kanan sa Globo de Oro diretso sa Quezon Bridge, kanan sa Palanca­, kanan sa Villalobos at diretso­ sa Plaza Miranda hanggang makabalik ang andas ng Poong Itim na Nazareno sa loob ng Simbahan ng Quiapo.

Ayon kay Margarejo, ang mga nasabing kalye ay sinimulan na ring suriin ng Department of Public Works and Highways upang matiyak na walang bukas na manhole o mga lubak na maaaring makadisgrasya sa mga lalahok na deboto.

Related video:

NAZARENO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with