PANOORIN: Panloloob ng armadong grupo sa Pasay hotel
(Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 3:58pm

MANILA, Philippines – Nakuhaan ng closed circuit television cameras ng hotel sa Pasay City ang panloloob ng armadong grupo ngayong Martes ng umaga.

Kita kung paano nanutok ng baril ang apat na kalalakihan sa loob ng Mabuhay Manor Hotel bandang alas-3 ng madaling araw.

BASAHIN: Hotel sa Pasay ninakawan ng armadong grupo

Nakakuha agad ng P33,000 ang mga magnanakaw sa kahera ng hotel habang dinisarmahan din nila ang naka duty na gwardiya.

Umabot naman sa P790,000 na cash at P350,000 halaga ng gadgets ang nakuha sa isang pamilya na naka check-in sa hotel.

Nanakaw din ang isang luxury watch na nasa P1.5 milyon at alahas na nagkakahalaga rin ng P1.5 milyon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with