Hotel sa Pasay ninakawan ng armadong grupo
(Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 1:04pm

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P4 milyong halaga ng pera at ari-arian ang nakuha mula sa isang hotel sa Pasay City ngayong Martes ng madaling araw.

Ayon sa Southern Police District, apat na armadong kalalakihan ang pumasok sa Mabuhay Manor Hotel bandang 3:10 ng madaling araw.

Nakakuha agad ng P33,000 ang mga magnanakaw sa kahera ng hotel habang dinisarmahan din nila ang naka duty na gwardiya.

Umabot naman sa P790,000 na cash at P350,000 halaga ng gadgets ang nakuha sa isang pamilya na naka check-in sa hotel.

Nanakaw din ang isang luxury watch na nasa P1.5 milyon at alahas na nagkakahalaga rin ng P1.5 milyon.

Tumakas ang mga suspek sakay ng itim na Hyundai Starex.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with