448 aberya sa MRT-3 naitala sa taong 2017
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa lumipas na taong 2017 ay nakapagtala ng kabuuang 448 beses na nagka-aberya sa biyahe ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ang datos ay nakuha mula sa ipinaskil sa website ng MRT-3 na aberyang nangyari sa biyahe noong nakaraang taon na mas mataas ng 15-percent kumpara noong 2016.

Base sa rekord, noong 2016 ay nasa 379 beses nagkaroon ng ‘passengers unloaded’ habang sa 2017 ay 448.

Araw-araw ay may sumasakay na 463,000 na pasahero sa MRT-3 sa kabila ng pagkakaroon ng pagtirik ng biyahe.

Bukod sa aberya sa 2017 ay nagkaroon din ng “decoupling” o paghihiwalay ng dalawang bagon noong Nobyembre at pagkakaputol ng balikat ng isang pasahero at masawi naman ang isa pang babaeng pasahero ng MRT-3 matapos mahilo noong Disyembre.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang hindi pagbili ng ‘spare parts’ ng sinibak na maintenance provider na Busan Universal Rail Inc. (Buri), ang isa sa dahilan ng mga sunod-sunod na aberya.

Sa ngayon ay ang DOTr na ang namamahala sa maintenance ng MRT-3 pero tuluy-tuloy pa rin ang nagaganap na pagtirik ng biyahe.

Sinasabing bumili na ang DOTr ng P8.66 milyong hala­ga spare parts para sa ‘rol-ling stock’ at P7.33 milyong piyesa ng riles.

Sinabi ni Assistant Secretary for Rails TJ Batan, ilan sa mga spare parts na binili ay dumating na habang ang iba ay paparating pa lang sa loob ng 30-90 araw.

“We got the commitment of all suppliers to exert best efforts to deliver earlier than the prescribed contractual lead times, and our MRT-3 team will focus on realizing this,” sabi ni Batan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with