Nasa larawan ang sugatan dahil sa paputok nitong nakalipas na pagsalubong sa Bagong Taon. Ernie Peñaredondo

48 sugatan, 4 tiklo sa indiscriminate firing
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan dahil sa paputok ang 47 katao samantalang isang lalaki ang nadaplisan ng ligaw na bala at apat naman ang dinakip ng mga otoridad dahil sa kaso ng indiscriminate firing kabilang dito ang isang aktibong pulis, dalawang sundalo, at isang driver, sa magkakahiwalay na insidente habang sinasalubong ang Bagong Taon kamakalawa ng gabi sa iba’t ibang lugar sa Southern Metro Manila.

Sa report na natanggap ng director ng Southern Police District (SPD) na si Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina PO3 Alexander Roy Rafer, nakatalaga sa Police Community Precint (PCP) 6, Las Piñas City Police, na-recover sa kanya ang isang .9mm; Federico Alcala, 54,  isang company driver, taga-Makati City, na-recover dito ang kalibre .45; Retired Philippine Army  SSGT Jamael Mindalano at Corporal Richard John Quijano, isang Philippine Army na nakatalaga Light Reaction Coy, Light Reaction Regiment, Special Operations Command.

Na-recover kina Mindalano at Quijano ang 2 units  na cal. 45 pistol, 1 unit 9mm pistol, 1 unit 38 revolver at assorted na mga bala.

Base sa report, naganap ang insidente isang oras bago sumapit ang Bagong Taon.

Nabatid na si PO3 Rafer ay nadakip sa Las Piñas City; nadakip naman si Alcala sa lungsod ng Makati; samantalang sina Mindalano at Quijano ay kapwa nadakip sa Taguig City.

Nadaplisan naman ng ligaw na bala matapos tamaan ng shrapnel ang biktimang si Jolly Moreno nang magpaputok umano ng baril si Mindalano.

Ang nadakip na mga suspek ay nasa custody ngayon ng pulisya at nakatakda silang sampahan ng mga kaukulang kaso.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with