Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Joven Earl Graces, naninirahan sa Maypajo, Brgy. 31 ng naturang lungsod.  Nagtamo ang paslit ng tama ng bala buhat sa hindi mabatid na kalibre ng baril sa balikat na tumagos sa kanyang sikmura. File

10-anyos totoy sapul sa ligaw na bala, kritikal
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

Sa pagsalubong ng Bagong Taon

MANILA, Philippines — Isang 10-anyos na totoy ang nasa malubhang kalagayan ngayon matapos tamaan na ligaw na bala na umano’y buhat sa pinaputok na baril ng mga nag-aaway nilang kapitbahay may isang oras makalipas ang pagsalubong sa Bagong Taon, sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Joven Earl Graces, naninirahan sa Maypajo, Brgy. 31 ng naturang lungsod.  Nagtamo ang paslit ng tama ng bala buhat sa hindi mabatid na kalibre ng baril sa balikat na tumagos sa kanyang sikmura.

Sa ulat, sinabi ni Malou Graces, ina ng biktima, dakong ala-1 ng madaling araw matapos ang putukan, napansin nilang nag-aaway ang kanilang mga lasing na kapitbahay nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nanoood naman ng fireworks display ang biktima kasama ang ibang mga bata sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang makaradam siya ng pag-iinit sa kanyang katawan. Dito napansin ng mga kapitbahay na duguan na si Joven kaya dali-daling isinugod ng mga kaanak sa pagamutan.

Sa inisyal na pagsusuri, masuwerte na tumagos sa katawan ng bata ang bala ngunit nahagip naman ang kanyang atay. Kinakaila-ngan pang isailalim sa ope­rasyon ang biktima upang makatiyak sa kanyang kaligtasan.

Ipinag-utos naman nga-yon ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo sa kanyang mga tauhan ang masusing imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril na naglagay sa bingit ng kamatayan sa paslit.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with