Hepe ng Mandaluyong police, 10 iba pa sinibak
(Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2017 - 11:54am

MANILA, Philippines – Sinibak ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde si Mandaluyong Police Chief Moises Villaceran kasunod ng pamamaril kagabi na ikinasawi ng dalawang katao.

Bukod kay Villaceran, 10 pulis na sangkot sa insidente ang tinanggal sa pwesto at binawian ng kanilang mga armas.

Pinaulanan ng bala ng mga pulis at mga barangay tanod ang isang puting Mistubishi Adventure sa kahabaan ng Shaw Boulevard.

Inakala ng mga awtoridad na tumatakas ang AUV ngunit ang sakay nito ang mga biktima ng nirespondehan nilang pamamaril.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jonalyn Ambaon at Jomar Hayawon, habang sugatan ang tatlo pa nilang kasama.

May nakaalitan ang grupo nina Ambaon na nauwi sa pamamaril. Kaagad nakatakas ang suspek, habang ang hinabol ng mga pulis ay ang sasakyan ng mga biktima na papunta sana sa ospital.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with