Quezon City cops na naturukan ng Dengvaxia, nababahala na
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Pupulungin ng Quezon City Police District (QCPD) Health Service ang mahigit sa isang libong pulis at kanilang pamilya na naturukan ng Dengvaxia.

Kabilang sa mga nabaku­nahan ay isang ‘lady cop’ na da­lawang buwang buntis ngayon ang nagpahayag ng pagkabahala sa kanyang kalusugan at sa kanyang anak na ipinagbubuntis.

Ayon sa ‘lady cop’ na humi­ling na huwag ng ihayag ang kanyang pangalan, mula noong mapanood niya sa telebisyon ang balita hinggil sa posibleng epekto ng Dengvaxia vaccine ay nabahala na siya sa kanyang magiging kalusugan at ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan.

Sinabi naman ni Chief Insp. Josephine Nandu ng QCPD health service, upang mapawi ang pagkabahala ay nagtakda na nilang pulungin ang lahat ng kagawad ng pulisya sa Quezon City at kanilang pamilya na una ng sumailalim sa libreng bakuna.

Nabatid na may kabuuang 1,332 na pulis at kanilang pa­milya ang sumailalim sa ‘free dengue shots’ na Dengvaxia no­­ong September.

Ang Dengvaxia ay gawa ng Sanofi Pasteur na kauna-una­hang dengue vaccine sa buong mundo, sinasabing ligtas at na­kapagbibigay ng proteksyon kung ituturok sa mga taong dati nang dinapuan ng dengue, ngunit maaari namang magdulot ng mas malalang dengue infection kung ibibigay sa mga taong hindi pa tinamaan ng naturang sakit.

Una na ring ipinag-utos ng DOH na itigil ang programang pagbibigay ng dengue vaccine  kasunod ng inilabas na bagong analysis ng Sanofi Pasteur sa Dengvaxia.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with