Sa ipinalabas na abiso ng MRT-3, nabatid na ang unang aberya ay naganap dakong alas-10:12 ng uma­ga nang tumigil ang isang tren nito sa southbound lane ng Guadalupe Station sa Makati City dahil sa problemang teknikal, kaya’t napilitan itong magbaba ng mga pasahero. File

Araw-araw na lang na aberya sa MRT-3
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Dumanas muli ng magkasunod na aberya ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahapon ng umaga.

Sa ipinalabas na abiso ng MRT-3, nabatid na ang unang aberya ay naganap dakong alas-10:12 ng uma­ga nang tumigil ang isang tren nito sa southbound lane ng Guadalupe Station sa Makati City dahil sa problemang teknikal, kaya’t napilitan itong magbaba ng mga pasahero.

Nasundan pa ang aberya dakong alas-11:22 ng umaga, kung saan napilitang mu-ling magbaba ng pasahero ang isang tren nito dahil mahina umano ang preno nito sa southbound ng Kamuning Station sa Quezon City.

Pinalipat naman sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero.

Umabot naman sa cate­gory 3 ang status ng mga naturang aberya, na nanga-ngahulugang inalis ang mga nagkaaberyang tren sa linya ng walang kapalit.

Kamakalawa, anim na ulit na nagkaaberya ang mga tren ng MRT-3, na nag­resulta sa pagkasugat ng dalawang pasahero nito.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with