Binatilyo lunod sa creek sa kasagsagan ni ‘Maring’
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines —  Bangkay na nang matag­puan ang isang binatilyo matapos itong maglaro at maligo sa isang creek sa Parañaque City, kamakala-wa ng hapon sa kasagsagan ng bagyong Maring.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si William  Inalisan, 16, nakatira sa Saint Jude Gawad Kalinga, Multinational  Village, Matatdo, Brgy. San  Isidro ng naturang lungsod.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Parañaque City Police, alas-5:45 ng hapon huling nakitang buhay ng kanyang mga kapitbahay ang biktima habang naglalaro at naliligo ito sa Matatdo Creek sa naturang lugar. Kaagad namang ni-rescue ng rescue team ng Philippine Red Cross  (PRC) ang biktima at  mabilis na isinugod ito sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with