Chinese dinedo ng Koreano, dahil sa utang
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines —  Patay ang Chinese  nang saksakin ito ng isang Ko-reano  na kapwa niya sugarol matapos na magalit ang huli sa hindi pagbabayad ng utang ng una na naganap sa isang condominium sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Shang Gou Rui, 62, nagtamo ito ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan .

Nakakulong naman sa Pasay City Police detention cell ang Koreanong suspect na si Min Byeongyun, 64, na nahaharap sa kasong murder.

Lumalabas sa  report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa tinutuluyang condominium ng biktima at suspect sa Unit 512, Sea Residences Condominium, sa nasabing lungsod.

Nauna rito, bigla na lamang umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa loob ng kanilang tinitirhang unit.

Ayon sa helper ng nasawi na si John Carlo Sera Jose, narinig nitong nagkakalabugan sa living room ng na-turang condo unit dahilan upang alamin niya ito.

Laking gulat nito nang makitang sinasaksak ang kanyang amo ng naturang suspect kung kaya’t tinangka niyang awatin ang suspect kasama ang isa pang kaibigang Chinese.

Gayunman, sila naman ang tinangkang balingan ng saksak ng suspect.

Kung kaya’t umiwas ang dalawa at pagkatapos ng pananaksak ay  tatakas na sana ang suspect na Koreano, subalit kaagad itong nasakote ng nakatalagang security guard ng condomi-nium hanggang sa dinala ito sa Pasay City  Police Headquarters. Samatalang, mabilis namang isinugod nina John Carlo ang amo  sa naturang ospital, ngunit nasawi ito habang nilalapatan ng lunas.

Sa nakalap na ular, sinasabing  nagalit umano ang suspect sa hindi pagbabayad ng utang ng biktima na ginamit sa pagsusugal sa casino. Nauwi ang pagtatalo sa pananaksak ng suspect sa biktima.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insi-dente.  

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with