^

Metro

Walang mafia sa Quinta market -- Ass. President

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang mafia sa Quinta Market.

Ito ang binigyan diin ni Arnold Chico, pangulo ng Quinta Stallholders Association sa panayam ng mga mamamahayag.

Ayon kay Chico, posibleng  mismong Marketlife ang nasa likod ng pagpapakalat ng isyu ng mafia sa Quinta upang ma-divert ang totoong isyu sa moratorium.

Sinabi ni Chico na ang dalawang taong moratorium sa paniningil sa rental sa mga stall sa bagong Quinta Market.

Aniya,  nais lamang nilang makakuha ng kasagutan mula sa Marketlife Leasing and Management Corporation kung bakit hindi nito  sinunod ang kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na walang dagdag sa renta sa loob ng dalawang taon upang makabawi muna ang mga vendors.

Bukod dito, mismong si Jerome Paruganas na nagpakilalang  pangulo ng  United Vendors Association ay hindi vendor sa loob at labas ng Quinta Market. 

“Posibleng pakawala  si Paruganas ng mga  gustong sirain ang proyekto ni  Mayor Estrada” ani Chico.

Nabatid na mismong si Estrada ang nag-utos na imbestigahan ng konseho ang isyu hinggil sa  mataas na paniningil ng Marketlife.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with