4 pusher timbog sa P2.5M shabu
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Nadakip ang apat na sinasabing tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Bicutan, Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Don Kadatuan, Ibrahim Kadtugan, kapwa nasa hustong gulang na residente ng Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan sa lungsod at dalawa nilang pamangkin na pawang menor-de-edad na hindi pinangalanan.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation ng mga tauhan ng Ta­guig police makaraang makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y pagbebenta ng droga ng mga suspek­.

Isang kagawad ng pulisya ang nagsilbing buyer ng droga at aktong iniaabot ang bawal na gamot nang po­sasan ang mga suspek.

Nakatakas ang mga magulang ng mga menor-de-edad na sina alyas ‘Elmer’ at ‘Diana’ na target din sa nasabing operasyon.

Narekober mula sa mga suspek ang walong malala­king sachet na naglalaman ng hinihinalang droga na aabot sa isa’t kalahating kilo na may street value na P2.5 milyon.

Isa ring rifle replica, at iba’t ibang bala at drug para­phernalia ang nakumpiska sa mga suspek.

Nahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with