50,000 pro Duterte groups susugod sa Batasan Complex
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 50,000 katao na kabilang sa iba’t ibang pro-Duterte groups susugod sa Batasan Complex para magpakita ng suporta sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ngayong araw ng Lunes.

Sa ilalim ng Kilusang Pagbabago sa pamumuno ni incoming Office on Participatory Governance Undersecretary Penpen Libres, lalahok ang grupo ng KP-Metro Manila Duterte Movement sa pamumuno ni Dr. Ed Clemente, Luzon Watch ni John Labrador, Federation of Business and Service Organizations-KP, Citizen Crime Watch, Guar-dians Brotherhood, Hugpong Federal Movement in the Philippines ang susugod sa House of Representatives  sa Batasan complex

Naniniwala ang naturang mga grupo na unti-unting nakakamit ang mga benepisyo sa ilalim ng Duterte admi-nistration kaya nanawagan sila na patuloy na suportahan ang mga programa ng Pangulo tulad ng anti-illegal drugs, anti crimina-lity, anti corruption, peace initiatives at ang pag-shift sa federalism bilang tugon sa decentralization power  at ekonomiyang oportunidad para sa lahat.

Kasabay nito, hinihikayat din ng grupo ang publiko ang pagkakaisa para labanan ang terorismo na dulot ng Maute Group, Abu Sayyaf, BIFF at iba pang terror groups na sa ngayon ay patuloy na binabakbakan    ng AFP at ng PNP sa Marawi City.

Ayon kay Abdulrashid Ladayo Sr., tagapagsalita ng KP, “ang extension ng martial law ay positibong hakbang ng pamahalaan para supilin ang terorismo sa Marawi City at iba pang bahagi ng ka-Mindanawan!”

“Ito ay kagyat at napapanahon na pagtugon para hindi matuloy ang plano ng ISIS-linked groups na makapagtayo ng kanilang teritoryo sa ARMM!”, ayon pa kay Ladayo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with