^

Metro

2-todas sa anti-drug operations sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2-todas sa anti-drug operations sa Maynila

Jinggoy Estrada waves to the media and supporters as he is escorted to his detention cell after surrendering to police authorities on June 23, 2014 at Philippine National Police headquarters in Quezon City. AP, file

MANILA, Philippines -  Todas ang dalawang katao  habang apat ang ares­tado sa isinagawang anti-drug operation ng Manila Police District (MPD) sa Port Area, Manila kamakalawa.

Kinilala ni MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang mga nasawi na sina Joemarie Esclares, 43, at Cesar Viduya, habang ang mga naaresto naman ay nakilalang sina Jojie Arroga, 29; Rogel Lasado, 45; Rommel Tupaz, 37; at Allan Malanot, 34, na naaktuhang sumisinghot ng shabu sa isang pot session.

Batay sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nang isagawa ng mga tauhan ng MPD-Station 5 ang isang anti-drug operation sa Block 7, Old Site sa Baseco Compound.

Kaagad na nadakip sina Esclares at Viduya nang ma­kabili ng shabu mula sa kanila ang mga pulis.

Nang maaresto, tinanong naman ng mga pulis mula sa mga suspek ang kinaroroonan nina Arroga, na kilala sa tawag na ‘Akmad,’ at siyang tunay na target ng operasyon.

Sinamahan naman ng mga suspek ang mga pulis sa tahanan ni Akmad, na nagresulta sa pagkakaaresto nito at nina Lasado, Tupaz, at Malanot sa isang pot session.

Habang inaaresto naman ng mga pulis ang apat na suspek ay tinangka umano nina Esclares at Viduya na sunggaban ang baril ng mga pulis sanhi upang barilin at mapatay sila ng mga awtoridad.

Ang mga naarestong suspek ay nakatakda naman nang sampahan ng drug charges ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with