Mister dinedo ng kaalitang kapitbahay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa hu­ma­rang na hose ng tubig na na­ging ugat ng matagal na alitan, isang lalaki ang nasa­wi makaraang pagbabarilin ng kanyang kaalitang kapitbahay sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ni PO1 Christian Loyola, may-hawak ng kaso, ang biktima na si Joseph Gochangco, alyas Putol, 46, ng Sitio 1 Paguio compound, Brgy. Sta. Lucia Novaliches, QC.

Tugis naman ng awtoridad ang tumakas na suspek na si Ariel Somoria, alyas Duling, 46, ng nabanggit ding lugar.

Naganap ang insidente  sa harap ng isang simbahan na matatagpuan sa kahabaan ng JP Rizal St., Brgy. Sta Lucia, dakong alas-5 ng hapon.

Lumabas na naging magkaaway ang dalawa nang magkaalitan ang mga ito dahil sa isang hose na nakaharang sa daan ng bahay ng suspek.

Sinasabing habang nag­lalakad ang biktima kasama  ang kanyang asawang si Melyn nakita nila ang suspek na bumaba mula sa kanyang sasakyang Toyota may bitbit na metal tabular saka pinagpapalo ang biktima sa ulo at katawan hanggang sa tumumba sa lapag.

Hindi pa nakuntento ang suspek, bumunot pa ito ng baril, saka pinagbabaril sa katawan ang biktima. Ma-ging si Melyn ay binantaan pang babarilin ng suspek bago tuluyang sumakay sa kanyang kotse at tumakas.

Agad namang isinugod ni Melyn at pamangkin sa Novaliches District hospital, subalit idineklara din itong dead on arrival.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with