Itinuturo ng biktimang si Pilar Padilla ang tatlong suspect na nagnakaw sa kanya ng nasa P20 milyon cash at mga alahas, kabilang ang pinagkakatiwalaan niyang kasambahay na si Jennifer Palomo. Kuha ni Boy Santos

Bantay-salakay na kasambahay, 2 kasabwat arestado
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Nadakip kahapon ng pulisya ang kasambahay at dalawa nitong kasabwat makaraang pagnakawan ang 92-anyos niyang amo na tiyahin ng aktor na si Robin Padilla, kamakailan.

Kinilala ang umaming kasambahay na si Jennifer Palomo, 33, na sinasabing utak sa nakawan. Dinakip din ang kanyang kinakasama na si Noel Avila, 34 at Judy Sedrome, 34 na nag­sabwatan para nakawan ang biktimang si Pilar Padilla Brooks ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Natangay ng mga sus-pect ang mahigit sa P20-mil­yong cash at mga alahas.

Buwan ng Mayo nang magbakasyon ang biktimang si Brooks sa Estados Unidos at sa kanyang pag-uwi ay doon niya natuklasan ang nawawalang vault sa bahay na dito nakalagay ang mga alahas, bank account at cash.

Gumawa pa ng senar­yo ang mga suspect na pi­nalabas na nilooban sila at ni-ransacked ang bahay ng amo na kalaunan ay na­tuklasang gawa-gawa lamang.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with