1 lalaki, 1 babae sabay itinumba sa QC
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  Kapwa bumulagta ang isang lalaki at isang babae makaraang pagbabarilin sa tapat ng isang bahay sa Brgy. Tandang Sora sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Ber-nadette Añasco, 38,  at Patrick Gregory Mercado, 37, construction worker, kapwa residente sa Delta Village, Brgy. Tandang Sora, sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ni PO3 Roldan Cornejo, may hawak ng kaso, ang mga biktima ay nadiskubreng duguan sa may harap ng isang bahay sa Taurus St., ng nasabing barangay, dakong alas- 8 ng gabi.

Walang nakakita sa pamamaril sa mga biktima kundi mga putok lamang ang narinig kung saan sila naabutang kap­­wa duguan.

Sinasabing nang respondehan ang insi­dente ng barangay official ang lugar ay na­butan pa ni­lang humihinga si Mercado kung kaya itinakbo pa nila ito sa Quirino Memorial Medical Center subalit dakong alas -10:01 ng gabi ay idineklara ring patay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya ang biktimang si Añasco ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at isa sa leeg, habang tadtad naman ng tama ng bala sa katawan si Mercado.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. Inaalam din kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaril.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with