2 biktima ng salvage, natagpuan
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines -  “Huwag tularan, holdaper ako’’

Ito ang tatak ng karatulang nakasulat sa kapirasong kar­ton na nakalagay sa bangkay  ng dalawang  lalaki na natagpuan sa madamong bahagi na lugar sa Brgy. Payatas, Quezon City,  kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Jerome Dollente, imbestigador sa kaso, kapwa walang nakuhang anumang  pagkakakilanlan sa mga nasawi na isinalarawan sa pagitan ng edad 25-35, parehong nakasuot ng t-shirt at short pants. Ang isa ay may tattoo na “Trixei” sa likod, habang ang isa naman ay mga tattoo na “ Guardian” sa balikat, “Cadaon”,” Charger”, at “Randy” sa likuran.

Base sa pagsisiyasat, nadiskubre ang dalawang bangkay sa  kahabaan ng Legaspi St., malapit sa kanto ng Payatas Road, Group 5, Brgy. Payatas, dakong alas- 3:45 ng mada-ling araw.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ay nadiskubre ang isang basyo ng bala, habang sa pagsusuri naman sa bangkay ng isa sa mga  biktima ay nakitaan ito ng ligature mark sa leeg, pahiwa na sugat sa gawing  bahagi ng kanyang ulo at galos sa kanyang kanang tuhod. Ang isa namang bangkay ay nakitaan din ng ligature mark sa leeg, isang tama ng bala sa ulo.

Ang mga bangkay ay nasa pangangalaga ngayon ng Lights Funeral Homes para sa awtopsiya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with