_ngayon
^

Metro

Kontaminadong tubig sanhi ng diarrhea outbreak sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kontaminadong tubig sanhi ng diarrhea outbreak sa Bilibid

Nabatid kay Health Assistant Secretary Eric Tayag na sa 1, 212 inmates na naapektuhan ng diarrhea, naospital ang nasa 220 subalit sa ulat kahapon ay nasa 50 preso na lang ang nananatili pa sa pagamutan. File

Resulta ng test ng DOH

MANILA, Philippines - Marumi o kontaminadong  tubig ang nakita sa isinagawang pagsusuri sa samples na kinuha sa mga pasyenteng nabiktima ng diarrhea outbreak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa Department of Health (DOH).

Nabatid kay Health Assistant Secretary Eric Tayag na sa 1, 212 inmates na naapektuhan ng diarrhea, naospital ang nasa 220 subalit sa ulat kahapon ay nasa 50 preso na lang ang nananatili pa sa pagamutan.

Ang dalawang nasawi ay bunga ng dehydration o naubusan na ng tubig sa katawan at may karamdaman ding diabetes.

Natuklasan ang ‘Shigella species’, isang uri ng bacteria na nakuha umano sa nainom na maruming tubig ng mga preso, batay sa resulta ng pagsusuri ng microbiologist.

Nagmula umano sa balon o deepwell ang tubig na ininom ng mga inmates.

Una nang sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na susuriin ang mga nakolektang samples na ipinadala sa Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM) para madetermina kung anong uri ng bacteria ang nakalason sa mga preso.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with