Ex-janitor na pumasa sa Bar, tumanggap ng P100K mula kay Erap
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap at galing personal na inabot ni Manila Mayor Joseph Estrada na cash gift na P100K kay  Ramil Comendador, dating janitor sa Comelec na isa sa mga nakapasang bagong abogado sa  2016 Bar exam.

Sa isang simpleng sere­monya sa Office of the Mayor laking pasasalamat naman ni Comendador sa gantimpala at pagkilala ni Estrada, gayundin ng   lungsod ng Maynila sa kanyang tagumpay.

Ayon kay Estrada, indikasyon lamang na walang  imposible basta  hahangarin na makamit ang  pangarap.

Sinabi naman ni Comen­dador na napatunayan niyang hindi hadlang ang  hirap upang matupad ang kanyang pangarap na maging abogado.

Nabatid na ‘‘first take’’ ni Comemdador ang  2016 bar exam.

Malaki rin ang pasasalamat niya  sa mga abogadong nagpahiram ng mga libro sa kanya.

 “I am thankful for the excellent schooling at UDM. Kung wala ang UDM, wala kaming mararating. Salamat po sa UDM at sa suporta ni Mayor Erap,” pahayag ni Comendador.

 Ibibigay ni Comendador ang cash gift sa kanyang ina na nasa Catanduanes.

 

BAR EXAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with