Ex-Army dawit sa droga, itinumba
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating miyembro ng Philippine Army na uma­no’y isang ‘tulak’ ng droga nang pagbabarilin ng nag-iisang salarin, kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Dead-on-the-spot sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si ex-Army Corporal Ronald Alvarez, 38, nakatira sa Transmitter, Phase 2, APOVAI, Brgy. Western Bicutan ng naturang siyudad.

Samantala, pinaghahanap  pa ng pulisya ang suspect na nakilala­ lamang sa alyas Alex Mambo.

Sa sketchy report na nakarating sa tanggapan ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente ala-1:15 kahapon ng madaling araw sa panulukan ng Tawi-Tawi at Cagayan de Oro Sts., Quiapo Dos, Brgy. Maharlika Village ng naturang siyudad habang ang biktima ay naglalakad nang biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect, sakay ng isang motorsiklo.

Sa rekord ng pulisya, isa umanong ‘tulak’ ng droga na nag-o-operate sa naturang lugar ang biktima at nasa drug watchlist ng Taguig City Police. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

PHILIPPINE ARMY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with