Dumalaw sa kaibigan, kelot inutas
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Hindi akalain ng isang 24-anyos na binatang taga-Baguio City na ang kanyang pagdalaw sa kaibigan ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang barilin sa noo ng riding-in- tandem pagkalabas sa isang steak house, sa Malate, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.               

Dead on the spot si Marlon Joseph del Rosario, ha­bang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tumakas na riding in tandem na sakay ng isang kulay orange na Mio Sporty Motorcycle, na hindi naplakahan.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harapan ng NLC Residences, sa Estra­da St., panulukan ng Arella­no St., Malate.

Naglalakad umano ang biktima at kaibigang si Keith Ibañez matapos kumain sa Alex Old Steak House,  nang  may humintong riding-in-tandem na mabilis inasinta sa ulo ang biktima na tinamaan sa noo.

Wala namang alam na kaaway ang biktima at hindi rin sangkot sa iligal na droga. Dumalaw lamang umano sa dating tinitirhan ang biktima para makasama ang mga kaibigan at pauwi na rin umano   ng Baguio City.

MARLON JOSEPH DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with