1 kilo ng shabu, baril isinuko ng pamilya ng drug suspect
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa isang kilo ng shabu, isang kalibre .45 baril ang isinuko sa Quezon City Police District (QCPD) ng pamilya ng isang naarestong suspek sa iligal na droga, kahapon ng tanghali sa lungsod.

Sa ulat na ipinarating   kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ni Supt. Danilo Mendoza, hepe ng Police Station 3, ang natu-rang mga items ay isinuko ng pamilya ng naares­tong suspek na si Joseph Haldos Sr.

Ang suspect ay una nang nadakip noong April 1, 2017 at kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Jordan Barbado ng PS-3, ipinasya ng pamilya na kusang isuko ang kontrabando makaraang madakip si Haldos Sr., sa takot na maging sila ay arestuhin ng mga awtoridad.

Ganap na alas-12 kahapon ng tanghali nang dalhin ng pamilya Haldos ang droga at baril kay barangay chairman Emmanuel Pilar ng Brgy.Pasong Tamo, na siya namang nagpabatid nito sa operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS-3.

Aabot sa 11 plastic sachets ng shabu, isang kalibre .45 baril, isang magazine at apat na bala at isang cellphone ang isinuko sa awtoridad na pag-aari umano ni Haldos Sr.

Si Haldos Sr.,kasama ang isang Roland Fagela ay naaresto ng DEU-PS-3 matapos na isagawa ang operasyon sa kanyang tahanan sa Everlas-ting St., Brgy. Pasong Tamo, QC dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dangerous drug act of 2002).

 

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with