LRT at MRT, walang biyahe ng 4 na araw
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikiisa sa  pag­gunita ng Semana Santa ay hindi bibiyahe sa loob ng apat na araw ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro  Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng  Light Rail Transit Authority (LRTA), hanggang sa Abril 12  o Miyerkules Santo ay ‘‘full operation’’ pa ang tatlong mass transport system sa Metro Manila pero pagsapit ng Huwebes Santo ay stop operation na ang mga ito na magtatagal hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

Lunes na ng umaga o Abril 17 magbabalik ang normal operation ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 simula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-10:30 ng gabi.

Sinabi ng LRTA, sasamantalahin nilang maraming mga mamamayan ang nasa mga lalawigan at walang pasok sa trabaho upang maayos ang kanilang mga linya upang hindi ito magdulot ng abala sa kanilang mga mananakay.

Layunin ng anunsiyo ng LRTA upang maipabatid sa publiko, lalo na ang mga regular na sumasakay ng LRT at MRT. 

Samantala, posibleng magamit na sa buwan ng Hunyo ang  48 Light Rail Vehicles (LRVs) o tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay MRT Officer-In-Charge (OIC) Deo Manalo, taliwas sa naunang pahayag ni PBA Party-List Rep. Jericho Nograles, na hindi compatible ang biniling LRVs sa transport system ng MRT-3 kung kaya’t hindi pa magagamit ang mga ito.

Sinabi ni Manalo, isinasa­ilalim lamang nila ang mga LRVs sa safety certification, na maaaring magtagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo kaya sa unang linggo ng Hunyo ay posibleng magamit na ang mga ito.

Ani Manalo, sa sandaling matiyak nila na ligtas ng gamitin ang mga bagong bagon ay lalarga na ang mga ito para mapunuan ang problema sa kakulangan sa tren at mabawasan maging ang mga service interruptions, na sanhi ng technical at mechanical problem.

Ang mga naturang LRVs ay binili mula sa Dalian Locomotive & Rolling Stock Co. ng bansang China, sa halagang P3.8 bilyon.

Ang Korean firm Busan Universal Rail Inc. ang siya namang mangangasiwa sa maintenance ng mga bagong tren na ang kontrata ay nagkakahalaga rin ng P3.8 bil­yon. 

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with