Obrero patay nang mahulog mula sa ika-8 palapag
.Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Death-on-the-spot ang isang 24-anyos na obrero nang aksidenteng mahulog mula sa ikawalong palapag ng isang gusali na kanilang ginagawa sa Barangay Ugong, Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing si Jaymar Odonio, stay-in construction worker sa ginagawang gusali ng Alas-ka Land Inc., na matatagpuan sa Ortigas Avenue sa Barangay Ugong.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nabatid na pasado alas-11:00 ng umaga nang ma­hulog si Odonio mula sa ikawalong palapag ng nasabing gusali.

Itinawag ng mga kasamahang trabahador ng biktima sa mga tauhan ng Pasig City Rescue ngunit nang makita ng mga rescuer na patay na ito ay ini-report na lamang ito sa mga pulis.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung bakit nahulog ang biktima.

OBRERO PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with