Ilan pang opisyal na idinadawit ng nagsa-shabu na colonel, iimbestigahan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nakatakdang imbestigahan ng Southern Police District (SPD) ang ilan pang opisyal ng pulis na isinasangkot umano ng isang police colonel, na nadakip dahil sa pagsinghot ng shabu noong Huwebes (Marso 30) sa Las Piñas City.

Ayon kay Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., director ng Southern Police District (SPD), iimbestigahan nila ang mga police officers na nasa kanilang hurisdiksiyon kabilang si Chief Inspector Joselito Savares, na isinasangkot umano ng suspect na si Police Supt. Lito Cabamongan.

Si Savares ay nakatalaga sa Intelligence ng SPD at isinasangkot  ni Cabamongan na ito umano ang nag-su-supply ng shabu sa kanya.

Subalit, napag-alaman na si Savares ang nagsagawa ng surveillance laban kay Cabamongan matapos makatanggap ng impormasyon ang pusliya hinggil sa paggamit nito ng droga.

Tumanggi namang banggitin ni Apolinario ang pangalan  ng iba pang opisyal na kanilang iimbestigahan.

Matatandaan, na noong Huwebes, Marso 30 ng taong kasalukuyan, nadakip si Cabamongan ng mga kagawad ng Las Piñas City Police nang maaktuhang sumisinghot umano ng shabu kasama ang isang babae na si Nedy Sabdao, 44 sa Brgy. Talon 4 ng naturang siyudad.

Kung saan nagpositibo sa droga si Cabamongan matapos itong isailalim sa drug test ng PNP Crime Laboratory.

Samantala hindi pabor ang ilang inmates na makasama nila si Cabamongan sa selda, dahil sa umano’y maangas na asta nito.

Sa panig naman ni Cabamongan, nangangamba  ito sa kanyang seguridad baka aniya matulad siya kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Si Cabamongan ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act) at matatanggal ito sa police service.   

SPD
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with