379 DUI sa Metro Manila, nalutas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 379 kaso ng Death Under Investigation (DUI) na itinuturing ng mga kritiko na extra judicial killings ang naresolba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) .

Sa kabila naman ng ma­ta­as na mga insidente ng DUI’s sinabi ni Albayalde  na nararamdaman ng mga Pinoy sa Metro Manila na ligtas sila dahilan sa pinaigting na police visibility operations  lalo na sa mga lugar na pinamumugaran ng masasamang elemento.

“ Marami na po tayo nalutas dun sa mga sinasabing EJK o DUI  dito sa Metro Manila”, ani Albayalde  simula ng ilunsad ang pinaigting na giyera kontra droga.

Ayon kay Albayalde, na-ngangahulugan ito na karamihan sa mga kaso ay naisampa na sa korte at natukoy na ang mga suspek. Sinabi pa nito na kabilang dito ay ang mga drug personality na napatay ng NCRPO operatives sa lehi­timong shootout at ang iba naman bagaman natukoy ay patuloy na pinaghahanap matapos na magsipagtago sa batas.

Lumilitaw rin sa imbestigasyon na karamihan sa mga kaso ng DUI ay mga kriminal na pinaslang sa kani-kanilang mga barangay  na natukoy na mga  sangkot sa pagtutulak ng droga, robbery/holdup at iba pang uri ng illegal na aktibidades.

DUI
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with