^

Metro

Traffic enforcer, patay sa sinitang motorista

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang traffic enforcer matapos itong barilin ng isang motorista na sinita nito dahil sa pag­labag sa batas trapiko, kamakalawa sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Noel Lunas, 46, ng C. Cruz St., Brgy. 147 ng naturang siyudad, enforcer ng Pasay City Traffic Ma-nagement Office. Nagtamo  ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa na ng follow-up  operation ang Pasay City Police para sa agarang pagdakip sa mga suspect na nakilalang sina Nashro Bagindulo, alyas  Cairoden Mangundao, at misis nitong si Norhinia Sema, may mga alyas na Agua at Rose Sema, kapwa ng Bella Vista Subdivision, Brgy. Santiago, General Trias, Cavite, na  kapwa sakay ng Toyota Innova,  na may improvised na plakang UHQ-311.

Sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Park Avenue, tabi ng Muslim Mosque, Pasay City.

Napag-alaman na naka- duty ang biktima nang ma­mataan nito ang isang  Toyota Innova na lumabag sa batas trapiko (traffic obstruction).

Nilapitan ng biktima ang naturang sasakyan subalit biglang tumakas ang mga ito dahilan naman para habulin ng una gamit ang kanyang motorsiklo.

Subalit, naglabas ang suspect ng baril at pinaputukan nito ng ilang beses ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect kung saan isang hot pursuit  ang ini-lunsad ng Pasay City Police laban sa mga suspect.

vuukle comment

NOEL LUNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with