2 obrero dedo, 1 pa sugatan sa pamamaril sa QC
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Utas ang dalawang construction worker nang pagbabarilin habang natutulog  sa loob ng tinutuluyan nilang  bahay sa Brgy. Payatas sa Quezon City, kaha-pon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Oliver Balise, 24 at Arnulfo Dasig, 62,  kapwa  construction worker, habang sugatan din ang isa pa nilang kasamahan na si  Edgar  Las Piñas, 43 .

Base sa report ni P/Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Inves­tigation and Detection Unit (CIDU) dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang sa loob ng tinutuluyan ng mga biktima sa Gumamela St., Payatas.

Basta na lamang umano  pinasok ng mga armadong lalaki sa loob ng bahay sa nasabing lugar at pinagbabaril habang natutulog ang mga biktima.

Blangko pa ang pulis­ya sa motibo sa pamamaslang habang patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon  sa insidente.

OLIVER BALISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with