^

Metro

MPD nagsagawa ng seminar sa pagbabalik ng ‘Tokhang 2’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagsagawa na  kahapon ang Manila Police District headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila ng isang araw na seminar kaugnay sa pagba-balik ng ‘‘Oplan Tokhang’’ kung saan mga piling drug enforcers lamang ang itinalaga.

Sa pangunguna ni MPD director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, sisiguruhin na ang mga miyembro ng bagong tatag na drug enforcement  unit mula sa MPD headquarters  at 11 district stations ay pawang nagtataglay ng integridad, kakayahan, disiplina at sapat na kaalaman sa pagpapatupad ng batas kaugnay  sa Republic Act 9165 at kautusan ni PNP Chief, General Ronald “Bato” Dela Rosa.

May kabuuang 120 drug enforcement personnel ang sumalang sa seminar.

Magkakatuwang ang bi-nu­ong unit ang mga kinata-wan ng City Prosecutor’s Office, Philippine Drugs Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, Commission on Human Rights-National Capital Region at ang Crime Laboratory, para matiyak na naayon sa batas ang bawat proseso ng pag-aresto.

Umiiwas umano ang PNP na maging sentro ng kritisismo at mga pagbatikos sa mga naganap na proseso ng war on drugs na ipinatupad partikular ang kontrobersiyal na ‘‘Oplan Tokhang’’ na ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with