^

Metro

Obrero itinumba sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng anim na naka-bonnet ang isang obrero sa Ca-loocan City, Miyer­kules ng umaga.

Nakilala ang napas­lang na si Achilis Tabili, alyas Atoy, 41, ng Phase 3 Package 2 Block 45 Lot 17 Brgy. 176 Bagong Si­lang, ng naturang lung­sod.

Agad na nagsitakas ang anim na salarin na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo at pawang nakasuot ng face masks, helmet. 

Sa inisyal na ulat ng pulisya, abala sa pagtatrabaho ang biktima, dakong alas-10:15 ng umaga nang biglang dumating ang mga salarin at paulanan ito ng bala.

 Narekober sa lugar ng krimen ang 12 cartridge ng bala ng calibre .45 baril. Nabatid naman sa purok leader ng lugar na kilalang sangkot umano sa iligal na droga ang biktima na biniberepika pa ng mga otoridad.

vuukle comment

OBRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with