Karambola ng 3 sasakyan: 2 sugatan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Sugatan ang dalawa ka-tao matapos magkaram-bola ang tatlong sasakyan kaha­pon ng madaling araw sa Makati City.

Kaagad na dinala sa    Ma­kati Medical Center (MMC) ang mga sugatang biktima na sina Felyn Andallon, 20, at Louie Mark Lorenzo, 28, ng Brgy. Palo, Bulacan,  kapwa sakay ang mga ito ng isang Toyota Vios (ABD-937).

Nagtamo ang mga ito    ng sugat sa ulo at katawan.

Sa report, naganap ang insidente alas-4:00 kahapon ng umaga sa panulukan ng Nicanor Garcia St., at Buendia Avenue, Brgy. Bel Air ng naturang siyudad.

Nabatid na binabagtas ng isang pampasaherong jeep at isa pang  Toyota Vios  ang na­turang lugar, kapwa  tumi­gil ang mga ito dahil na naka-pula ang traffic light.

Siya namang pagdating ng sinasakyang Toyota Vios nina Andallon at Lorenzo at aksidenteng nabangga nito ang nakatigil na jeep hanggang sa nasalpok din ng jeep ang Toyota Vios,  na nagresulta ng karambola.

Nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko sa mga mo­torista ang naturang aksi­- den­te. 

FELYN ANDALLON MMC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with