Vigilante umatake: 3 lalaki itinumba
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki ang magkakasunod na pinagbabaril at napatay ng umano’y vigilante group sa Caloocan City,kamakalawa at kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jonathan Gabarda, 26,alyas “Jojo”, obrero, ng # 1021 Zapote St.,Brgy.178 Camarin; Errol Pedelos, alyas “Popong”, tricycle driver ng Phase 5,Package 2, Block 11,Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang at Nicodemus Ampuan,49,ng # 593,Block 8,Lot 5,Phase 3-C,Brgy.20, Kaunlaran Village.

Batay sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang pagbabarilin si Gabarda sa may Avocado Street, Brgy. 178 ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa tiyuhin ng biktima sa pulisya, sangkot umano sa aktibidad sa iligal na droga ang pamangkin.

Nauna dito, napaslang naman ng alas-8:20 ng gabi ang tricycle driver na si Pedelos nang ito ay harangin habang namamasada ng apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo at pagbabarilin ito.

Lunes naman ng madaling araw nang barilin at mapatay ng mga naka­maskara ring lalaki sa loob ng kanyang bahay si Ampuan

JONATHAN GABARDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with