_ngayon
^
Jeep holdap: 1 patay, 4 timbog

Kinilala lamang sa alyas na Sitoy ang nasawi, 35,  5’5 ang taas, balingkinitan at miyembro ng ‘Commando Gang’. Arestado naman ang mga kasamahan nito sa panghoholdap na sina Ryan Lampon, 28, truck driver at King dela Cruz, 18, construction worker. File photo

Jeep holdap: 1 patay, 4 timbog

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2017 - 12:00am

Manila, Philippines -  Isa sa limang holdaper na nangholdap sa isang pampa­saherong dyip ang nasawi nang manlaban sa umaares­tong mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang sa alyas na Sitoy ang nasawi, 35,  5’5 ang taas, balingkinitan at miyembro ng ‘Commando Gang’.

Arestado naman ang mga kasamahan nito sa panghoholdap na sina Ryan Lampon, 28, truck driver at King dela Cruz, 18, construction worker.

Pinaghahanap pa ang isang Jericho Bajar, at isang hindi pa kilalang lalaki na miyembro umano ng ‘Bajar holdup gang’.

Sa ulat ni P/Supt. Robert Domingo, hepe ng MPD-Station1, dakong alas-8:00 ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang isang dyip sa southbound lane ng Road 10, malapit sa North Harbor Center sa Tondo, kung saan natangay ang nasa 7 cellphone, ATM cards, mga ID at pera mula sa mga pasahero.

Nagpanggap na mga pasa­hero ang lima na pawang ar­mado ng balisong nang isa­gawa ang holdap at tumakas nang makulimbatan na ang mga biktima.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ng mga pulis sa tulong ng mga barangay tanod sina Lampon at dela Cruz, na positibong itinuro ng isa sa mga biktima.

Nabawi sa mga suspek ang mga natangay.

Nang ikanta ng dalawang suspek ang hideout kung saan sila magkikita-kita matapos ang panghoholdap ay sinala­kay ito ng mga pulis.

Naabutan sa hideout sa Building 23 sa Temporary­ Housing, sa Tondo si alyas Sitoy na nagtangka pa uma­nong pasabugin ang hawak na granada subalit binaril na siya ng mga operatiba na ikinasawi nito.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with