Dahil sa patuloy na kaka­pusan sa mga traffic en­for­cers, plano na rin ng Me­tro­politan Manila Development Authority (MMDA) na i-deputize ang mga fire volunteers para makatulong sa pagmamando ng trapiko sa Metro Manila.
File photo
Bumbero gagawing traffic enforcers ng MMDA
STARTALK - Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na kaka­pusan sa mga traffic en­for­cers, plano na rin ng Me­tro­politan Manila Development Authority (MMDA) na i-deputize ang mga fire volunteers para makatulong sa pagmamando ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA spokesperson, Celine Pialago na nag-commit na sa kanila ang iba’t ibang fire volunteer groups para tumulong sa trapiko ngunit tuwing weekends lang o mula Biyernes hanggang Linggo dahil sa may iba pa naman silang responsibilidad. Nasa 300 fire volunteers umano ang maaaring madagdag sa mga kalsada ng Metro Manila kapag natuloy ito.

Idinagdag ni Pialago na ina­ayos pa lamang sa kasalukuyan ang implementing guidelines kung ilang oras at kung magkano ang matatanggap ng mga fire volunteers na magiging traffic constables.  Itatalaga ang mga fire volunteers sa EDSA at Mabuhay Lanes na nangangailangan ng dagdag na tauhan.

Tiniyak naman niya na pagmamando lamang ng trapiko ang tututukan ng mga fire volunteers habang ang panghuhuli ay mananatili sa mga MMDA enforcers na opis­yal na may hawak na mga paniket.

Nabatid na ang ideal na bilang ng enforcers para mag­­mando ng trapiko sa Metro Manila ay 5,000 ngu­nit sa kasalukuyan ay may 2,800 enforcers lamang ang MMDA.  Unti-unti pang nababawasan ang mga ito dahil sa pagka­kasibak ng ilan na nasasangkot sa iba’t ibang kaso ng pa­ngongotong at iba pang pag-abuso sa tungkulin.

Ayon sa MMDA, karamihan sa mga enforcers ay mga “job-orders” lamang kaya ka­pag nasangkot sa insidente ng kotong o ibang pag-abuso­ ay mabilis na nasisibak sa trabaho.

CELINE PIALAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with