Brgy. chairman na aktibo sa ‘tokhang’, binoga, sugatan

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Sugatan ang isang barangay chairman matapos barilin habang abala sa pangangasiwa ng kapis-tahan sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.  

Nasa ligtas na kalaga-yan na sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa pigi ang biktimang si William Ypon  alyas Chengay, ng Brgy. 101, Katuparan, Vitas, Ton­do.

Sa ulat ni P/ Supt. Ro-bert Domingo, hepe ng Manila Police District-Station 1, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa  sa pagitan ng Building 26 at 27 sa Vitas.

Abala umano ang biktima sa pangunguna sa aktibidad ng kasiyahan sa kanilang lugar, kasabay ng pakikipag-inuman sa mga constituent, nang bigla na lang may umagos na dugo pababa sa hita nito.

Nakarinig din ng pu-tok ang mga residente na inakalang bunga lamang  ng tunog ng firecracker.

May hinala ang mga awtoridad na posibleng sinamantala ang kapis-tahan sa lugar ng suspek na maaaring nagalit sa biktima dahil sa impormas­yong nakipag-ugnayan ito sa mga pulis para isailalim sa ‘‘Oplan Tokhang’’ ang kaniyang nasasakupan na dawit sa droga.

Ilan umano sa mga ka­lugar ng biktima ang ki­-nom­pronta nito na tigilan ang iligal na droga at hinikayat na sumuko sa ‘‘Oplan Tokhang’’ para sa pagba­bago.

CHAIRMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with