Parak sugatan sa pananambang
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2017 - 12:24am

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang pulis makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay lulan ng motorsiklo, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Nakaratay ngayon sa Valenzuela City Medical Center dahil sa tama ng bala sa kanang binti at likod ang biktimang si SPO1 Sherwin Fajardo, 41, nakatalaga sa Valenzuela City Police at residente ng Disiplina Village, Brgy. Ugong, ng naturang lungsod.

Sugatan rin makaraang tamaan ng ligaw na bala sa braso ang isang pahinante ng trak na si Rodrigo Napura nang mapadaan sa lugar.

Sa inisyal na ulat, papasok na sa Valenzuela City Police Headquarters ang biktima dakong alas-8:05 ng umaga sakay ng kanyang motorsiklo nang parahin ng apat na lalaki sa may Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon. 

Ngunit habang papalapit, napansin ni Fajardo na may hawak na baril ang isa sa mga lalaki kaya bigla niyang pinasibad ang motorsiklo hanggang sa paputukan siya ng mga salarin.  Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo.

SPO1 SHERWIN FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with