^

Metro

4 bulagta sa Caloocan

HAYUP SA GALING - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na droga ang nasawi sa naganap na pamamaril ng mga hindi nakilalang salarin na sakay ng mga motorsiklo, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong ala-1:50 ng mada-ling araw nang mapaslang ang mga biktimang sina Arnel Ramos, 43; isang alyas Jomar, at isang alyas Berto, 30-35 anyos. Sa salaysay ni Elaine Francisco, live-in-partner ni Ramos, nasa gitna ng pot session ang tatlong biktima sa loob ng kanilang bahay sa De Gracia Compound, Rainbow Street, Brgy. 168 Bloomington Deparo, nang puwersahang pumasok ang tatlong lalaki na nakasuot ng bonnet at mascara.

Agad na pinagbabaril ng mga salarin ang tatlo na nag­resulta sa agad nilang kamatayan.  Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng mga motorsiklo. Dakong alas-11 naman kamakalawa ng gabi nang patayin ng dalawang hindi nakilalang salarin ang 27-anyos na si Romel Laloyan, sa loob ng kanyang bahay sa Suncrest, Llano Road, Brgy. 167. Nasa kasarapan na ng tulog ang biktima nang puwersa­hang pumasok ang mga salarin at pagbabarilin ito.

Ayon sa mga kapitbahay, sangkot umano sa iligal na droga ang biktima na tinitignang anggulo sa krimen.

vuukle comment

VALENZUELA CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with