Medical tourism hub, susungkutin ng QC
UPTOWN DOWNTOWN - Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Susungkitin ng QC go­vernment ang medical tourism hub ng Pilipinas ang nasabing lungsod.

Ito ayon kay QC Mayor Herbert Bautista ay upang higit na mabigyan ng mahusay na serbisyong medikal ang publikö at tuloy makadagdag sigla ito sa turismo ng Quezon City.

Sa pagpasok ng 2017, pangu­ngunahan ng QC go­vernment ang pagsasagawa ng kauna-unahang International Medical Tourism Summit sa Marso na lalahukan ng mga dalubhasang doktor, taga-panga­siwa at may ari ng mga ospital, clinics,doctors associstion, travel agencies, hotels, spas at wellness centers at iba pa upang sama samang makabuo ng mga hakbang at panuntunan hinggil sa pagpapalaganap ng medical tourism sa bansa.

Sa ilalim ng medical tourism summit ay tutuklasin kung ano ang medical specialty na palalakasin sa Pilipinas na higit na kailangan ng mamamayan upang ang mga maysakit at mga nais na magpagamot at nangangailangan ng medikal na atensiyon ay hindi na aalis pa sa ating bansa.

Isang halimbawa ang Japan na dinadayo ng marami dahil sa pagkadalubhasa nila sa  dental implant at sa Thailand ay tanyag at dinadayo ng turista dahil sa galing sa  sex change.

 Ang Singapore naman ay kilala sa prosthetics medicine o dinadayo ng mga turista na nais magpaganda ng parte ng katawan ng tao tulad ng pagpaganda ng ilong, mata at iba pa.

Kalakip din ng programa ang pagkakaroon ng mas komportableng paninirahan sa QC ng mga kaanak ng mga maysakit na nagpapagaling sa ospital.

 “Kung naka-confine o nagpapagaling na lamang ang  isäng pasyente sa ospital, maglalagay tayo ng mga akmang lugar na maaring tirahan ng kanilang kaanak at lugar na maaari silang mag-relax habang ang kanilang pasyente  ay nagpapagaling dito sa QC, hindi nasa ospital ang kanilang pas­yente pero ang kanilang kaanak ay walang lugar na maaari silang mag relax, dito sosolosyunan natin yan” pahayag ni QC Tourism department head Divina Gracia Pascua.

 “But medical tourism is not only about hospitals and clinics. It is about people, I believe Filipinos are the best in terms in providing that personal and effective health care. Medical tourism is also providing the best experience for the patient and his or her family” dagdag ni Bautista.

QC GO­VERNMENT ANG MEDICAL TOURISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with