Roxas Boulevard, sarado sa motorista ngayon
ABOUT SHOWBIZ - Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sarado ngayon sa trapiko ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard  sa Lungsod ng Maynila para bigyang daan ang paggunita sa ika-120 taon anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.

Base sa ipinalabas na traffic advisory ni Supt. Lucille Faycho, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit, kabilang sa isasara sa trapik ang North at South bound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Kalaw.

Hindi muna madaraanan ng motorista ang nasabing bahagi ng Roxas Blvd. mula alas-6:30 hanggang alas-9 ng umaga. 

Naglatag naman ng alternatibong ruta ang MDTEU para sa mga maaapektuhang motorista.

Pinayuhan ang mga sasakyan na pa-northbound lane ng Roxas Blvd.  na kumanan sa Kalaw St, kaliwa sa Ma. Orosa patungo sa destinasyon.

Habang ang mga dadaan sa southbound lane na manggagaling sa Delpan Bridge-Pier Zone ay kinakailangang lumiko sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa patungo sa destinasyon.

Samantala,ang mga manggagaling naman sa McArthur, Jones at Quezon Bridge na daraan sana sa southbound lane ay pinapayuhan na dumaan na lamang sa Taft Avenue.

ROXAS BOULEVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with