^
Bong muling pinayagan ng Sandiganbayan mabisita ang may sakit na ama
Former Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.
Facebook/Bong Revilla Jr.

Bong muling pinayagan ng Sandiganbayan mabisita ang may sakit na ama

(Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2016 - 12:30pm

MANILA, Philippines – Muling hinayaan ng Sandiganbayan na mabisita ni dating Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang may sakit na ama sa Taguig City.

Tatlong beses mula ngayon hanggang Linggo maaaring bisitahin ni Revilla ang ama at dati ring Sen. Ramon Revilla Sr. sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Maaaring bisitahin ng nakababatang Revilla ang ama mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ngayon, at mula alas-2 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi sa Sabado at Linggo.

Nagkaroon ng komplikasyon sa bato ang nakatatandang Revilla at kinakailangang sumailalim sa tube insertion procedure dahil hindi makakain. Magtatagal siya sa ospital hanggang Enero 3, 2017.

Nitong Disyembre 16 ay pinayagan din ng anti-graft court si Revilla na makita ang 89-anyos na ama sa ospital.

Humirit kahapon ang kampo ni Bong ng furlough upang magbigay suporta sa ama bago ang nakatakdang operasyon.

Nakakulong sa Philippine National Police custodial center ang nakababatang Revilla dahil sa kasong plunder at graft dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund.

FURLOUGH SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with