Panukalang ‘3-digits number coding’, suportado ng MMDA
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinuportahan ng Metropo­litan Manila Development Au­­tho­rity (MMDA) ang panukala ni House Minority Leader Danilo Suarez na ipatupad ang ‘three-digits number coding scheme’ sa mga pangunahing lansa­ngan ngayong holiday seasons para sa ikalu­luwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ang panukala ng naturang­ mambabatas ay bunsod nang paglobo ng bilang ng mga sa­­sak­­­yang bumabagtas sa Metro Manila lalu na ngayong holiday seasons.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, sa  panu­kala aniya ni Suarez ay nasa  30 porsiyento ang maitutulong nito para mabawasan ang vo­lume ng mga behikulong bumabagtas sa mga panguna­hing lansangan ng Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Orbos, ang panukala aniya ng naturang mam­babatas ay ipaparating niya sa  Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT ).

Sa panukala ni Suarez, hinihikayat nito ang Department Of Transportation (DOTr), na pansamantalang ipatupad ang  ‘three-digits coding scheme’ mula Lunes hanggang Biyer­nes, samantalang ang “two-di­gits number coding scheme” ay ipatupad naman tuwing weekends.

NUMBER CODING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with