Basta may permit Rally vs. hero’s burial ni Marcos aprub sa Maynila

- Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Basta may permit maaaring magrally.

Ito naman ang tugon ni Manila Mayor Joseph Estra­da kung papayagan niya ang mga rally ng pagtutol sa paghihimlay sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pa-ngulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Estrada ang  lahat ay malayang magsagawa ng  kanilang mga protesta basta walang nilalabag na batas. Inaasahan na rin ang sunud-sunod na rally ng mga cause oriented groups upang  tutulan ang paglilibing kay Marcos sa LNMB.

‘‘Pero kung walang permit hindi puwede. Kaya kaila-ngan, may permit sila”, ani Estrada.

Aniya, bubuwagin, aarestuhin at kakasuhan ng Manila Police District (MPD), ang sinumang ralyista na mahuhu-ling nagsasagawa ng kilos protesta ng walang kaukulang permit.

RALLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with