^
Abogado, nagbaril sa sarili
Si Atty. Augustus Cezar Comin Binag, 40, residente ng Room 205 La Casarita Condominium Corporation, na matatagpuan sa No. 333 San Rafael St., San Miguel, Maynila ay natagpuang patay dakong alas 5:10 ng hapon ng security guard na si Carmen-cito Magsalang.
Philstar.com file

Abogado, nagbaril sa sarili

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Wala ng buhay ang isang abogado na pinaniniwalaang nagbaril sa sarili nang ma­diskubre sa ikalawang palapag ng condomi-nium kamakalawa ng hapon sa San Miguel, Maynila.

Si Atty. Augustus Cezar Comin Binag, 40, residente ng Room 205 La Casarita Condominium Corporation, na matatagpuan sa No. 333 San Rafael St.,  San Miguel, Maynila ay natagpuang patay dakong alas 5:10 ng hapon ng security guard na si Carmen-cito Magsalang.

Sa ulat ni SPO1 Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section, nag-iinspeksiyon sa back gate ng condominium si Magsalang nang makarinig ng putok ng baril kaya’t umikot ito sa condominium at  hinanap kung saan ito nagmula.

Nakita niya sa ikalawang palapag ang biktima na hindi gumagalaw, duguan ang ulo at nasa tabi ang kalib­re 25 baril.

Ini-report niya ito sa maybahay ng biktima na si Atty. Melody Binag, 38 at sa MPD-Station 8.

Nabatid na kauuwi pa lamang ng misis ng biktima at tinanong sa kasambahay ang  mister na sinabi namang lumabas at hahanapin ang isang “Darwin”.

Nasorpresa si Me-lody nang kumatok ang guwardiya at sinabing nagpakamatay ang mister.

Bagamat nalung-kot, ibinunyag ng misis na may sakit sa bato at malala na ang karamdaman sa prostate ng mister, na posibleng da­hilan ng pagpapa­tiwakal. Hiniling din niya na huwag nang isailalim pa sa imbes­tigasyon dahil wala na­mang naganap na foul play.

ABOGADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with