^

Metro

Sunog sa Muntinlupa: 150 bahay tupok, 300 pamilya naapektuhan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 150 kabahayan ang natupok ng apoy kung saan 300 pamilya ang naapektuhan sa sunog na naganap, kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.    

Ayon sa report ni Muntinlupa City Bureau of Fire Protection Fire Marshall Supt. Gilbert Dolot, nagsimula ang sunog  alas-4:56 ng madaling araw sa bahay ni Federico Castillo sa  Bunyi Compound, E. Service Road,  Brgy. Cupang ng nasabing lungsod.

Sa sobrang lakas ng hangin at gawa lamang sa mga light materials ang mga kabahayan ay mabilis itong tinupok ng malakas na apoy.

Hirap rin ang mga bumberong maipasok    ang kanilang mga truck sa lugar dahil sa mga sala-salabat na kawad ng kuryente.

Matapos ang tatlong oras saka lamang naapula ang apoy at alas-7:30 kahapon ng umaga nang ideklara itong fire-out.

Wala namang napaulat na may mga taong nasawi sa insidente habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi  ng naturang sunog at magkanong halaga ang napinsala.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with