Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, sa hu-ling pulong aniya nila ng mga metro mayor, napag-usapan nilang itaas sa P1,000 ang multa ng mga mahuhuling motorista lalabag dito. Ayon sa MMDA, sa kasalukuyan ang multa nang lumabag sa naturang traffic scheme ay nasa P300.
MICHAEL VARCAS
Multa sa lalabag sa number coding, ‘no window policy’, gagawing P1,000
MAINGAT KA BA!? - Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Planong itaas sa hala-gang P1,000 ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) ang multa sa  sinumang motoristang mahuhuling lumabag sa number coding (o UVVRP).

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, sa hu-ling pulong aniya nila ng mga metro mayor, napag-usapan nilang itaas sa P1,000 ang multa ng mga mahuhuling motorista lalabag dito.

Ayon sa MMDA, sa kasalukuyan ang multa nang lumabag sa naturang traffic scheme ay nasa P300.

Nabatid din na noong nakaraang linggo ay nasa 600 motorista ang nahuling lumabag sa number coding kung saan ipinatupad na rin ang  ‘no window hours policy’ sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Mula sa alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang pagpapatupad ng number coding, ibig sabihin hindi na maaaring dumaan sa mga mga pangunahing lansangan ng Metro Manila kung coding ang plaka ng sasakyan ng motorista.

Ang mga itinakdang lugar na ‘no window  policy’ ay ang kahabaan ng EDSA, Commonwealth  Avenue, C-5 Road, Bonifacio Avenue, Recto Avenue,  Rizal Avenue, Quirino Avenue, Delpan, Araneta Avenue, Marcos Highway, C-6 Highway, Mac Arthur Highway, Roxas Boulevard, Taft Avenue, Alabang-Zapote Road, Samsom Road, Caloocan City,   SLEX, A. Mabine St. sa Caloocan, Shaw Boulevard, Ortigas   Avenue, Magsaysay Boulevard, Qurora Boulevard, Quezon Avenue.

Ayon pa rin kay Orbos, papatawan din ng mabigat na parusa ang sinumang motoristang lalabag sa illegal parking, dahil mahigpit ang kampanya nila dito.

NUMBER CODING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with