^

Metro

1st lady driver ng LRT 1, sumabak na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinakita ng kauna-unahang  lady driver ng Light Rail  Manila Corporation (LRMC) sa LRT 1 ang kanyang kaalaman sa pagmamaneho nang sumailalim sa isang specia-lized training course, kasama ang iba pang mga drivers.

Si Kathleen dela Paz, 26, na graduate ng Hotel and Restaurant Management (HRM), ay nakipagsabayan sa mga lalaking drivers.

“Hilig ko talagang magmaneho,kaya  nang mag-hire ng driver ang LRMC, sinubukan kong pumasok”, ani dela Paz.

Sinabi naman ni LRMC Operations Director Rodrigo Bulario, ipinagmamalaki nila na mayroon na silang kauna-unahang LRT lady driver na hindi matatawaran ang skills at kakayahan kahit siya ay isang babae.

Kabilang sa pagsasanay na dinaanan ni dela Paz ang technical at practical aspects tulad ng safety communication, incident/accident management, fault reporting, basic train driving and intervention at hauling procedure para sa mga drivers.

Nabatid na nagdagdag rin ang LRMC ng 125 teller, 25 stations drivers at 30 train drivers para matugunan ang mga karagdagang biyahe sa LRT na ipatutupad.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with