3 Taiwanese tiklo sa P1.7-B shabu
Joy Cantos at Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tatlong Taiwanese na sinasabing drug lord ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng pagkakasamsam ng P1.7 bilyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas City at Parañaque City.

Base sa ulat, sinabi ni PDEA Spokesperson  Glen Mapalad, kinilala ang mga suspek na sina Shih Ming Tsai, Kuo Chuan Cheng at Lin Chun Ming alyas Alen Cheng, pansaman­talang mga  nakatira sa #21 Philamlife Village, Barangay Pamplona 2 sa Las Piñas City at Unit 10, Executive Village, BF Homes sa Parañaque City.

Base sa  search warrant na inisyu ni Judge Fernando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court, Bandang alas-6:30 ng gabi nang masakote sina Shih at Kuo sa no. 21 Philamlife Village, Brgy. Pamplona Dos, Las Piñas City.

Ang mga ito ay nakum­piskahan ng 99 kilo na crystalline granules, 298 kilong liquid methamphetamine hydrochloride.

Nasakote naman si Lin bandang alas-6:15 ng gabi matapos na salakayin ng mga operatiba ang sto-rage facility ng bahay sa Arsenio Executive Village sa Parañaque City.

Nasamsam ang 15 pa­kete ng methampetha­mine hydrochloride at 24 pirasong balikbayan boxes na naglalaman naman ng ephedrine powder.

Sa tala, mahigit 30 drug pushers ang napatay si­mula ng manumpa sa po-sisyon si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 bilang ika-16 lider ng bansa.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with