_ngayon
^

Paslit lunod sa isang timbang tubig

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang taong gulang na batang lalaki makaraang malunod sa isang timbang tubig sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay nakilalang si Miguel del Cruz, residente sa  Santiago West, Brgy. San Antonio sa lungsod.Ayon kay PO2 Romeo Nino, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang nanay na si Evan­geline, subalit binawian din ng buhay matapos ang ilang minutong gamutan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Nino, nangyari ang insidente sa may kusina ng bahay ng pamilya ng biktima, ganap na alas-5:50 ng hapon.

Nabatid na panandaliang lumabas ng bahay ang ina ng nasawi nang bigla itong tawagin ng isa pang anak at sinabing nalunod sa timba ng tubig si Miguel.

Dahil dito, agad na nagtungo si Evangeline sa itaas para beripikahin   hanggang sa makita ang kanyang anak na si Miguel  sa loob ng isang timba na puno ng tubig.

Mabilis na binuhat ni Evangeline ang bata saka itinakbo ito sa St. Agnes Hospital, subalit idineklara din itong dead on arrival, dakong alas-6:10 ng gabi ni Dr. Jecore Reroma, ang attending physician.

Sa cursory examination sa katawan ng biktima, walang nakitang mga sen-yales na external injury dito.

 

NATIONAL ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with